Home » Post Item » SMOKE and TSHIRT BIZ
SMOKE and TSHIRT BIZ
January 31, 2009May bago sakin sa mga nakalipas na araw (wow lalim haha). In school kasi mga student madalas pag naghahantay sa next subject nila, nagsmoke sila pangtanggal ng antok at stress. Ang mga smokers nakakalat malapit sa mga vending machines, na malapit naman sa mga trashcans na may ashtrays ( unlike pinas sa kalye pinipitik ang kalat). One time bibili ako ng bottled water at paglapit ko pa lang sa vend, nakowwwwwwwww ang usok parang nasa wowowee lang ako, special effects ang tema. Agad agad ako inubo, juskooo naubos na yung tubig ko, and dibdib ko di parin makahinga.
Dahil mag 4 years na akong GREEN na GREEN ang hangin na nilalanghap ko, hindi na ako sanay sa 2nd hand smoke. Di narin kasi nagsmoke ang kuya ko at daddy ko, since ang daddy ko may highblood at kuya ko naman ay may hika. Sa palagay mo tama ba kuro kuro ko?
———————————————————-
Negosyo….
Tagal ko ng naiisip na magkanegosyo na may passion din ako. Ang isa sa mga nahiligan ko e mga patriotic shirts (pinas style). Dahil nasa US ako at minsan nakakastress maghanap ng T-shirt lang na maganda ang design. So nagsurf ako sa net, mga statement at urban design t-shirts ang google ko. Napadpad ako sa mga pinoy theme shirts, at sobrang nagustuhan ko. Gustong gusto ko bumili, kaso wala naman ganun pa sa US ng mga panahon na yun. Entire PH lang muna sila dahil kasisimula pa lang nila last year. Tinutukoy ko ang FMCC shirts aka 3 stars and a sun. Then while watching some vids online, Nakita ko naman ang mga School Theme Pinas style shirts, na sobrang creative at magaganda rin. Parang each famous University sa pinas e may brand ng shirt na nagpoproduce ng school spirit shirts nila.
So naisip ko papano kaya magkakaron ng ganun klaseng business. Di ka lugi lalo na kung papatuking design or statement ng shirt mo with reasonable price. Since shirt yun, di masasayang sa wala pag hindi nabili, kasi pwede mo suutin at panregalo haha.
Ang dami ko nabasa about Tshirt business, nahilo hilo ako, ang daming ways kasi pano magprint ng shirt. Gusto ko lang magcreate ng shirt na lahat ng tao makakarelate. Sana matupad ko to kahit sa mga susunod na decades pa..


