Home » Post Item » Hirap!
Hirap!
January 27, 2009Minsan may mga bagay na nasasabi mo lang sa bestfriend mo na ang hirap sabihin sa iba. Pero sakin kahit gusto ko sabihin, wala naman ako masasabihan, wala naman kasi akong tunay na kaibigan e. Nabubuhay ako sa puro friends lang, kumbaga on the counter friends. Siguro blog na lang ang nagiisang kaibigan ko na maasabihan ko ng problema.
Buhay pagibig. Matagal na kami ng bf ko at sobrang happy ako, pero may times na nakakalungkot. Siguro kasi kahit anong tagal at tibay namin, di parin mawawala yung fact na never pa kami nagkita at may ibang buhay kami outside ym. Lately di kami nakakapagusap, random phonecalls lang kung buhay pa sya, or kung anong gagawin niya for the day. Sobrang lungkot na nakakaiyak pag naiisip mong mas magiging OK sya kahit wala ako, kasi sa dami ng ginagawa niya, pwedeng mapagliban yung love life. Nagkatotoo nga yung mga sinabi ko, pero di ko sya kinausap, basta ko na lang sinabi na ayaw ko na. Pumayag naman xa, iyak ako ng iyak kasi kahit ayaw ko, mas makakapagfocus sya sa gagawin niya at walang iisipin “karen” sa online. Nagisip ako the whole day kung tama ba yung ginagawa ko na basta ganun na lang na di ko siya kinausap. Kaya tinawagan ko siya sunday morning sa kanila. Nagsosorry ako pero galit na galit siya. Hindi ko alam kung pwede pa namin ibalik yung dati kaya sobrang iyak ako sa phone. Di ako makapagsalita at makahinga, sobrang sakit kausapin siya. Buti pumayag parin siya at kami parin now. Dun ko nalaman na may banda na ulit siya kasama ung prof niya sa programming, Sa isip ko tama pala yung desisyon ko pero now its too late na. Nabigla ako nung sinabi niya yun, napaurong dila ko na nag-agree na lang ako. Napansin niya yun, sabi niya di niya daw kasi mahindian baka ibagsak siya at session lang daw yung banda nila , Ako naman OO lang kahit alam ko na mukang malabo na naman makausap ko siya ng madalas. Then sabi niya hindi na lang daw siya sasali, but i insist na sumali na sya, at alam ko di siya basta basta makakaayaw sa prof niya.
The next day, monday ang day na nagpapabili sa kanya ng gitara ang teacher niya. Tumawag lang siya na nasa cubao siya at pupunta sa mall para bumili ng gitara. Pagkaring ng phone ko, sabi ko wala na naman pala siya. Nagusap kami sa call na yun ng mga 1 min
pero ayus na un basta naalala ako. Hindi ako makatulog, expect ko kasi makakausap kami bago ako matulog ng mataga, pero iba tlg na. Tumawag naman ako sa kanya around 12am dito samin, nandun na xa sa bilihan ng gitara, pinapraktis yung gitara na bibilin niya. Kinamusta ko lang at nag bye-bye agad ako kasi nakakainstorbo lang ako dun. Finally nakatulog din ako after nun. Nagising ako around 4am baka may mga nagpm sa ym ko, baka isa siya dun (lagi niya ginagawa kahit busy). Sad to see na wala kahit isang buzz . Edi ako naman obsess na ata tumawag ulit ako, Nasa cainta naman siya, sa mga kuya niya. Picture niya yung mga i buy and sell ng kuya niya. Ayun makakapaggusap na naman kami after class ko, mapupuyat na naman siya. So kung wala ako di niya siya mapupuyat. Diba simpleng logic na masakit sa puso.
————-
Sa part naman ng family, kung tutuusin, ako na nagpalaki sa sarili ko. Kahit binibigay ng parents ko gusto ko nung bata ako, Di ko naexperience maturuan ng homework kasi sariling sikap ako habang nagaaral hanggang ngayon. Kahit tatay ko di ko kilala hanggang nakasama ko na siya dito sa amerika. Di ko alam na sobrang magalit ang tatay ko, at pag may nahawakan siyang bagay, ipapalo or ibabato niya sayo, pag hindi ka tinamaan, humanda ka kasi may susunod na ipapalo sayo. Mag bente na ako pero nakakatikim parin ako ng hambalos at tadjak sa tatay ko. Kahit naiinis lang siya at wala kang kinalaman sa kinaiinisan niya, mapadaan ka lang sa kanya, ikaw ang babatuhin niya. Minsan nga gusto ko ng umalis dito sa bahay namin, kaso di ko pa kaya e, konting taon pa talaga. Kanina lang nakatikim ako ng palo ng stick, ang sakit kasi lalaki siya e tapos yung katawan ko mahinang babae lang. Nararamdaman ko yung lantay sa likod ko kahit na nakajacket pa ako nung pinalo, pati braso ko nagkapasa narin. Wala naman ako magagawa dun, ganun na siya e. Pero once na nakaalis ako sa bubong niya, never na ako babalik para makita siya, Kahit sa kasal ko di ko siya iimbitahin. Galit ehe!
Kala niyo puro saya ang buhay ko no. May nakakalungkot din na moments. EMOTE day today


