Home » Post Item » FALL 2008
FALL 2008
September 25, 2008Kung di ako nagkakamali 3 days na since nagstart ang fall season. And super love kong panahon sa US! kakatapos lang ng super init na summer kaya medyo lumamig (miss ko ung chill sa pinas pag gabi).
Lamigin kasi ako pag malamig at init na init pag mainit kaya suit sakin ang fall. Yung lamig ng hangin at init ng araw, tama ang timpla harhar.
Wala na akong makikitang naka super short shorts sa school. Kaloka mga yun mga payat pero makikita mo yung cellulites nila kasi super sikip nung short (pagpilitan daw ba kasing ikasya).
Palapit na rin ang midterm, mga 2nd week of october. Wish ko lang ma-90 ko ung reading class ko para pasado na. Di ko na need pasukan, ang dami naman kasing pinapagawa nung confused kong prof dun =)) kakastress.
Sa english naman gumawa kami ng draft for essays, buti na lang kasi mahina ako sumulat (english man or tagalog). Lagi natalon ang topic ko mula venus hanggang saturn (haha). Di ko alam at di tinuro sakin ung mga steps how to write good. Sana matuto naman ako
.
Napahanga nga pala ako sa prof ko sa math. Isa lang ang class niya na tinuturuan at siyempre kasama ako sa isa na yun.Syempre nagisip ako kung san siya nakita. Yun pala author siya ng mga math books at developer siya ng isang math online site ( ilearned ata yun). Diba ang galing kahit magretired na siya ngayon may pera parin siya. bonggang bongga nun!
AYANNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNN mga nagyari sa first fall days ng year 2008
till next post………


